Wednesday, November 30, 2011

MGA KWENTONG BITTER


mga kwentong bitter.

by Holy Victory on Tuesday, December 15, 2009 at 11:40am
[P]ara sa mga single at taken. Para sa mga kababaihang iniwan, niloko, sinaktan, tinake for granted, pinaasa, pinagpalit, pinaghintay sa wala, tinwo time, inapi, kinawawa, inabuso, at higit sa lahat para sa mga walang magawa. parang ako. ;)

tips para di ka magsisi sa huli:
• kung di ka willing masaktan, habang nanliligaw pa lang xa eh patigilin mo na. kakambal ng pagmamahal ang sakit at sakripisyo. mas maganda kung i-enjoy mo muna ang buhay single. mahirap na bumalik sa mundo ng single nang hindi ka injured. suportahan mo kami. NO TO BOYS!
• isipin mo ang history ng manliligaw mo. kung mabilis xa magpalit at magsawa noon, nako. mag-isip ka na. di tayo mga damit na kapag madumi na eh magpapalit lang.
• pwede ring itanong mo yung dahilan ng break up nila ng ex niya. mas maganda kung alam mu yung panig nilang dalawa. malay mo nagsisinungaling yung isa. diba? haha. dun mo malalaman kung good boy nga xa o hindi,.
• kung first ka man nya, siguraduhin mo na mature enough na xa para sa commitment. hindi lng kasal ang bawal iluwa pag-mainit. tandaan mo yan.
• siguraduhin mo na naka-pagmove on na talaga xa sa ex nya ha! nako. wala akong masabi sa mga lalaking ganito.
• wag na wag kang maniniwala sa mga sinasabi nya. sabihin mo na ipakita nya by actions hindi sa mga mabubulaklak na salita lamang.
• hindi porke pinagkakagastusan ka niya ng pera at oras niya ngaun eh mahal ka na niya. sira! mag-isip ka nga. baka di mo alam ang pera at oras na mauubos mo kapag iniwan ka nyan. tsk. tsk.
• di porke pinili ka nya ngaun eh ikaw na talaga ang mahal niya. siguro he just chose you for now as a spare tire kasi ayaw sa kanya nung mahal niya.
• wag kang magbibigay ng alam mong pagsisisihan mo lang. wag mong ibigay ang mga bagay na di mo na mababawi kelanman. wag mong ibigay lahat. in short, tikim tikim lang.. hahahaha
• mag-ingat sa mga libre at bigay sayo. baka pag tapos na ang lahat sa inyo at magsumbatan kayo, e magulat ka na lang na loan pala yun at kelangan mong bayaran. may tubo pa.
• kung nag-iisip ka ng pwedeng iregalo sa kanya, tip ko sayo eh picture nyo. ung malaki huh! ung super happy kayong dalawa. ung PINAKA maganda nyong pic ever. para kapag naghiwalay kayo at sa tuwing nakikita nya un eh manghihinayang siya sayo na tipong masasabi niya sa sarili niya, SAYANG pinakawalan ko pa etong perfect na girl na eto. Oh well, his loss… hahahaha
• bumili ka ng katalinuhan. oo, tanga ka pero wag mong abusuhin ang prebilehiyo ng pagiging t*nga. sayang naman ang paghihirap ng magulang mo kung magpapakat*nga ka sa walang kwentang lalaki.
• mag-imbak ka ng kahihiyan at awa sa sarili mo. kelangan un.
• wag akuin ang di mo kasalanan. kapag nasanay xa, aabusuhin niya yun. magmumukha kang LOSER…ewww.
• lagi mong tandaan na kung mahal ka talaga niya, hindi kailanman sasagi sa isip nya na saktan ka. kung tunay syang lalaki, may paki siya sa nararamdaman niya at sa relasyon niyo.

TANDAAN MO pagdating sa break up:
• pag sinabi nilang kelangan nila ng time ang ibig sabihin nun e kailangan nila ng time para makapag-hanap. di totoong hahanapin nila sarili nila. ibang bagay ang gusto nilang hanapin. at di nila nahanap yun sayo.
• “kaya sila gumagawa ng stupid reasons kasi ayaw nila tayong masaktan…”
• “…pero hindi nila alam mas nasasaktan tayo ng bonggang bongga!” –sabi ng taong itago na lang natin sa pangalang LIIT.
• pag sinabi na nilang namimiss na nila ang sarili nila, ibig sabihin nun nasasakal na sila sayo. madami ka sigurong limitations. marami xang di nagagawa dahil sayo, ganun kasimple yun.
• kaya nambababae ang mga lalaki ay dahil sawa na sila sau. gusto nila mag-explore ng iba.
• lahat ng lalaki tumitingin sa iba. tama ang nabasa mo. LAHAT. di man nila aminin pero ganun yun. darating at darating ang point na mapapatingin sila sa iba. pero yung iba hanggang tingin lang. un ang good boy!!! pero totoo nga un. kaya nga tayo may peripheral vision diba? para di mahalata na nasa iba yung tingin. tama ba? tsaka sadyang ginawa ang mata ng mga lalaki na mabilis. well, ginawa naming mabilis ang utak ng mga babae. hahaha!

tips kapag nagsisi ka na:
• hello?!! di pa katapusan ng mundo. THERE ARE MANY FISH IN THE SEA. maganda ka. maniwala ka sa nanay mo.
• normal na umiyak ka. pero wag naman sa harap niya na with matching tulo pa ng sipon ha. ampanget swear!!!
• wag kang makikinig sa mga slow na song na tipong sinasampal sayo yung mga lyrics.
• maniwala ka sa kasabihang “new haircut, new boyfriend” baka naman hiniwalayan ka dahil sa buhok mong chakanez dot com.
• wag kang magpuyat sa kakaiyak. baka madaig mo pa ang patay sa lalim ng mata mo. maawa ka naman sa sarili mo.
• wag kang magmukmok. lumabas kayo ng friends mo. malay mo nasa mall ang man of your dreams.
• wag mo siyang burahin sa Y!m at friendster mo. pustahan di ka makakatiis nyan. di mo mapipigilang magtanong sa kaibigan mo kung anong stat msg niya, kung ol ba xa, kung sino nag-cocoments sa kanya at sino mga featured friends niya. sira! nang-iistorbo ka sa buhay ng may buhay. bura bura epek ka pa dyan eh kabisado mo naman. ikaw yung pagmumukhang pathetic sa pag-add mo uli sa kanya.
• wag na wag kang magpapapansin sa Y!m. wag ka maglalagay ng mga paawa epek na stat msg or magON and OFFline ng ilang beses. ikaw lang magmumukhang tanga. para kang si yaya… LOSER!
• iwasan din maglagay ng mga bitter quotes at special mentions. yung tipong nagpapatama tapos idadaan sa group message! sabihin mo nlng kaya sa harap niya.
• wag mo na din itry burahin yung number nya. alam nating lahat na kabisado mo yan.
• tandaan mo na tao lang xa. hindi xa perpekto. hindi xa hangin na kelangan mo sa araw araw at minuminuto. kung yaw mo maniwala..ayyy adik ka na talaga.
• wag sasabak sa sumbatan ng wala kang armas at kung alam mong dehado ka. para din yang intermission number. bongga ka kung may hayop kang entrance at exit diba?!!
• kung gusto mo talagang magpakamatay, bahala ka. lugi ka noh. lam mo kung bakit? dahil sa dami dami ng lalaki sa mundo eh xa lang natikman mo. payag ka nun? explore girl! hahaha.
• wag kang iinom ng di mo kaya. wala kang mapapala. di mo malilimutan yung hapdi na ginawa niya sayo. ang tanging bagay lang na malilimutan mo eh yung mga kat*rantaduhang ginawa mo habang lasing ka. hindi masusulusyunan ng isa o kahit ilan pang bote ng alcohol yang problema mo.
• kung tips sa pagpapakamatay ang gusto mo, ang pinakamagandang solusyon ay ang pagpapanggap. yung tipong friends forever na kuno kayo. kwento nya yung bago niya. ipagyayabang niya kung gaano kaganda, kasexy, kabaet, katalino, kayaman, ka-sweet at lahat ng opposite sayo ung girl nya. anong kamatay matay dun? edi yung pagpapanggap mo na napakasaya mo para sa kanila kahit gusting gusto mo na silang hilahin sa impyerno.
• wag kang magpanggap na masaya ka. tanggapin mo na lang. kahit unti unti. wag kang maging plastic sa sarili mo. loka, baka magising ka na lang isang araw hindi mo na kilala kung sino ka. ala-SISA ba eto?! magpakatotoo ka na lng pero hinay hinay lang at baka may nasisipa ka na jan.
• wag kang maghahabol. wag kang umasang babalik pa yan. lalaki lang ulo niya. magiging feeling xa. gusto mo yun?
• hindi masarap ang pride. actually nakakalason. wala akong kilala na naging masaya sa pagkain ng pride niya.
• kung babalik yan, mag-ingat ka. kung nagawa nya sayo yun noon, kaya niyang gawin ulit yun. wag ka maniwala agad na nagbago at nagsisi na xa. mas masakit kapag second time na niloko ka niya.
• pero wag mo isara ang puso mo sa kanya. malay mo nagbago at narealize na niya ung pagkakamali niya… hmmmn ay wait..ERASE ERASE. be friends na lang.
• higit sa lahat, wag mong isasara ang puso mo sa ibang lalaki. wag mong sabihin na di ka na magmamahal ulit. sa ngayon siguro, oo, masasabi mo yan. pero pag may nakasabay kang gwapong lalaki sa jeep eh parang nalimutan mo na isnumpa mo ang lahat kalalakihan. maiisip mo ‘ di naman siguro lahat ng lalaki tulad ng ex ko…’ hahaha sira! malandi talaga.
ooopps! wag kayong magalet! wala kaming nagawang masama, naglalabas lang ng saloobin. side lang yun ng mga inapi…hahahah
sorry boys. love y’all. harhar.
no guys in particular…yes no maybe. :)
On a more serious note though, lahat ng mga nabanggit sa taas are actually also applicable to boys na inapi naman ng ilang girls… admittedly kasi even girls can hurt the guys…
hehehe let’s just love and respect one another na lng po. let us all be mature when handling relationships because all of us are capable of both hurting and getting hurt, so let’s tread cautiously on each other’s feelings and emotions.

No comments:

Post a Comment